Vaccine Czar, tiniyak na hindi masasayang ang mga malapit na ma-expire na AstraZeneca doses

Tiniyak ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na hindi masasayang ang nasa dalawang milyong doses ng AstraZeneca vaccines na malapit nang ma-expire.

Ayon kay Galvez, inaasahang magagamit ang lahat ng mga bakuna bago ang June 15.

Sinabi niya na ang AstraZeneca at ang Russian Sputnik V vaccines ay may maikli lamang na shelf life.


Ang AstraZeneca vaccines ay may dalawang expiration dates – ang unang batch ay nasa halos 1.5 million jabs na mapapaso sa June 30 habang ang panibagong batch na nasa 525,600 doses ay mapapaso sa Hulyo.

Inaasahang tataas ang vaccination capacity ng bansa lalo na at mas maraming vaccination sites ang magsasagawa ng pagbabakuna.

Facebook Comments