Vaccine deployment, mahalaga sa harap ng pagtaas ng COVID cases sa NCR – OCTA Research

26

Nanawagan ang OCTA Research Team sa pamahalaan na tiyaking masasama ang mga health workers at iba pang frontliners sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na lalawigan sa nagpapatuloy na mass immunization program kontra COVID-19.

Ayon sa grupo, magiging ‘crucial’ sa susunod na dalawang linggo ang pagpapadala ng mga bakuna.


Inaasahan na kasi ang surge ng COVID-19 cases sa NCR sa mga susunod na linggo at posibleng masagad nito ang healthcare system at mga manggagawa nito.

Hinikayat ng OCTA Research ang mga health workers na nagtatrabaho sa NCR at mga karatig probinsya na na magpabakuna.

Facebook Comments