Vaccine expert panel, nire-review na ang aplikasyon ng ikatlong kompaniya na magsasagawa ng COVID-19 vaccine trial

56

Kasalukuyan nang nire-review ng Vaccine Expert Panel (VEP) ng Pilipinas ang aplikasyon ng Clover Biopharmaceuticals company mula Australia para magsagawa ng kanilang COVID-19 vaccine clinical trials sa Pilipinas.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo, ngayong araw lang siya nasabihan na nakapagpasa na ng kanilang aplikasyon ang Australian pharmaceutical company sa Vaccine Expert Panel.


Dahil dito, sinabi ni Domingo na nasa tatlong kompaniya na ang interesadong magsagawa ng kanilang COVID-19 vaccine trial sa bansa na isinasailalim sa pre-screening ng vaccine expert panel.

Aniya, sakaling pumasa sa panel ang aplikasyon para sa COVID-19 vaccine clinical trials, sasalang naman ito sa pagsusuri ng ethics Board at ng FDA.

Facebook Comments