Vaccine rollout ng AstraZeneca sa labas ng NCR, nagsimula na

Sinimulan na ring gamitin sa labas ng National Capital Region (NCR) ang mga bakuna ng AstraZeneca mula sa COVAX facility.

Personal na dinaluhan nina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. at Testing Czar Vince Dizon ang ceremonial vaccination rollout sa Qualimed Hospital sa Sta. Rosa, Laguna kasama Si Ayala Corporation President Fernando Zobel de Ayala.

Ang Qualimed Hospital ang pinakaunang recipient ng AstraZeneca vaccines sa labas ng NCR kung saan pinakaunang naturukan ng bakuna si Dr. Edwin Mercado.


Kahapon nang magsimula ang rollout ng nasabing bakuna sa kamaynilaan.

Si Parañaque City Health Office Head Dra. Olga Virtusio ang pinakaunang health worker sa bansa na naturukan ng AstraZeneca vaccine.

Samantala, nasa 2,000 doses din ng AstraZeneca ang ibibigay sa UP-Philippine General Hospital.

Facebook Comments