Valencia Hills Condominium sa Quezon City, isinailalim sa lockdown dahil sa COVID-19

276

Inilagay na sa 14-day special concern lockdown ang Valencia Hills Condominium sa Barangay Valencia, Quezon City.


Ipinatupad ang lockdown matapos makitaan ng mataas na bilang at clustering ng COVID-19 cases.

Samantala, nasa walo na lang mula sa 11 areas ang naka-lockdown sa lungsod na kinabibilangan ng mga sumusunod;

• Sitio Ruby sa Fairview
• 238 Mayon Ave. sa Maharlika
• 950 Interior, Aurora Blvd. sa Mangga
• Sitio Ambuklao sa Baesa
• Portion ng Sitio Cabuyao 6A sa Sauyo
• 72 Fulgencio St., Sitio Lambak sa Krus na Ligas
• 17 Isarog St., sa Sta. Teresita
• Valencia Hills Condominium sa Valencia

Ang barangay Valencia ay nasa District 4 na may naitalang 25 confirmed cases ng COVID- 19, 16 na ang naka-rekober habang 9 ang active cases at wala pang naitatalang namatay.

Facebook Comments