VALENTINE’S DATE | Carlo Aquino at Angelica Panganiban, nag-date

269

Manila, Philippines – Kilig na kilig na naman ang mga fans ng ex-lovers na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino matapos na makita ang instagram story ng aktres para sa tila Valentine’s date nila kahapon.

Sa IG post, makikita ang bouquet of white flowers na bigay ni Carlo.

May caption pa ito na: “hinusayan. 1 point ka sakin @liwanag11”

Habang sa IG post ni Carlo, makikitang hawak niya ang librong “Para Kay Ex” kung saan cover photo nito si Angelica.

Lalo pang natuwa ang mga fans dahil sa ilang sagutan ng dalawa sa twitter.

Samantala, una nang nilinaw nina Angelica at Carlo ine-enjoy nila ang kanilang friendship pero hindi naman daw nila isinasara ang posibilidad na magkabalikan sila.

Facebook Comments