Valentine’s Day, naramdaman ng media sa Malacañang

40

Manila, Philippines – Ngayong Valentine’s Day ay nabigay ang Office of the Presidential Spokesman ng red long stem rose sa mga lady reporter ng Malacañang Press Corps o MPC.
Sa mga maginoong reporters naman ng MPC ay Condom ang ibinigay ng Tagapagsalita ng Pangulo na mula din naman sa Department of Health bilang bahagi ng Reproductive Health Law.
Bukod sa bulaklak at condom ay nagbigay pa ng pizza ang kalihim bilang bahagi ng pagdiriwang ng Valentine’s Day ngayong araw.
Pero hindi naman nagpakita sa media si Secretary Harry Roque at tanging mga staff nito ang nabigay ng mga valentines gift sa media.

Facebook Comments