Valentine’s Tour 2025 ng bandang “A1”, muling nagpakilig sa Filipino fans

Hindi binigo ng bandang “A1” ang kanilang mga Filipino fans sa Valentine’s Tour 2025 sa New Frontier Theater sa Quezon City kagabi, February 16.

Extended ang Araw ng mga Puso dahil sa mga kinanta nila na overload sa kilig para sa mga A1 fans.

Kabilang sa mga kinanta ng boy band ay ang Heaven by Your Side, Everytime, Walking in the Rain, Forever in Love, at One Last Song.


Mas umingay pa ang kilig sa buong venue dahil sa kanta nila na Like a Rose na nagpakilig at napa-LSS talaga ang bawat isa.

Bukod pa sa mga love song, pinaindak din ng A1 ang kanilang mga fans sa kanta nilang Take on Me at No More.

Ayon sa nasabing banda, hindi sila nagsisisi na bumalik sa Pilipinas dahil sa pagmamahal at suportang natatanggap nila sa mga Pilipino.

Huling nagconcert ang A1 sa bansa noong October 2023.

Facebook Comments