Valenzuela City at IBM, lumagda sa isang kasunduan

30

Lumagda na ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela City ng P-Tech Agreement sa pagitan ng IBM.

Pinangunahan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang paglagda sa kasunduan sa isang online signing kasama ang mga kinatawan ng nasabing kumpanya.


Kasabay nito ay nagpasalamat si Gatchalian sa IBM sa pagpili sa kanilang lungsod na maging partner sa kanilang public education model.

Layunin ng P-Tech Program na ma-i-synchronize ang mga estudyante ng senior high school, college at techvoc sa mga programa ng industry education.

Tinitiyak ng programa na ang curriculum mula senior high school, college at tech-voc ay tumutugon sa pangangailangan ng industriya.

Ibig sabihin, ang mga mapoproduce na graduates ay tiyak na makakahanap ng trabaho dahil ang skills mula sa pinag-aralan ay magtutugma sa available na trabaho iniaalok ng maraming kumpanya.



Kumpyansa si Gatchalian na malaki ang maitutulong ng IBM hindi lamang sa edukasyon kundi pati sa employment ng mga taga-Valenzuela.


Facebook Comments