Valenzuela City, naglaan ng vaccination site na para lamang sa mga guro ng lungsod

25

Target na mabakunahan ngayong linggo ng Valenzuela City Government ang mga guro sa lungsod.

Inilaan ng lokal na pamahalaan ang People’s Park Amphitheater bilang vaccination site para sa mga teaching at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) Valenzuela Division.


Nitong Sabado, kasabay ng Independece Day commemoration ay 800 guro ang binakunahan sa Valenzuela.

Dito rin nagpabakuna si Senator Sherwin Gatchalian na tumanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine na AstraZeneca.

Kabilang naman ang mga guro sa A4 priority list bilang basic education frontliners.

Facebook Comments