Valenzuela City, nagpaalala sa huling araw ng pagkuha ng ayuda

20

Nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela City na hanggang Mayo 7 na lamang ang huling araw ng pagkuha ng ayuda.

Ang mga benepisyaryo ay iyong mga nabigyan ng paanyaya o kaya ay kabilang sa mga listahan ng mga benepisyaryo.


Para sa mga hindi pa nakakakuha ng ayuda nitong nakaraang enhanced community quarantine (ECQ), maaaring magtungo sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa inyong lugar.

Pinapayuhan naman ang mga beneficiaries na dalhin lamang ang paanyaya at isang original at photocopy ng valid ID.

Kung ipapakuha naman ang ayuda ay huwag kalilimutang ipadala ang authorization letter na may pangalan at pirma ng benepisyaryo, valid ID ng benepisyaryo at photocopy na may tatlong identical na pirma at valid ID naman ng kukuha ng ayuda.

Facebook Comments