Valenzuela City, patuloy ang paglilikas sa mga residenteng labis na apektado ng Bagyong Ulysses

43

Bukod sa ipinatupad na preemptive evacuation sa mga lugar sa Valenzuela City sa bahagi ng Tullahan river ay patuloy pa rin ngayon ang paglilikas ng pamahalaang lokal sa mga residenteng labis na apektado ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, ang mga bakwit ay nasa evacuation sites sa Valenzuela National High School sa Brgy. Marulas at sa Luis Francisco Elementary School sa Brgy. Veinte Reales.


Tiniyak ni Mayor Rex na naka-antabay ang mga rescue team at mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO para sa anumang pangangailangan ng mga lumilikas na residente.

Sabi ni Gatchalian, nakahanda na rin ang supplies gaya ng pagkain, face masks at face shield para sa mga evacuees sa Valenzuela.

Samantala, binanggit naman ni Mayor Gatchalian na sa ngayon ay hindi na maaaring madaanan ng light vehicles dahil sa baha ang mga kalye ng G. Lazaro corner I. Fernando.

Facebook Comments