Valenzuela City PESO, hall of famer na matapos makamit ang ikatlong panalo bilang National Best PESO

47

Nasungkit ng Public Employment Service Office (PESO) Valenzuela City ang hall of fame award matapos makuha ang ikatlong sunod na panalo bilang ‘National Best PESO. ‘

Isinagawa kagabi ang awarding sa SMX Convention Center sa Bacolod City na siyang pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE).


Labis naman ang pasasalamat ni Valenzuela City PESO Manager Ophie Pascual-Osea sa pagkilalang ito at sa tulong ng kanyang masisipag na staff.

Ito na ang ika-labing siyam na National PESO Congress na taunang isinasagawa para mapag-usapan ang mga plano sa ikakaunlad ng sektor ng paggawa.

Ang DZXL Radyo Trabaho ay isang taong ng ka-partner ng PESO Valenzuela City gayundin ng PESO National Capital Region (NCR) at buong Mega Manila.

Sa DZXL Radyo Trabaho… walang personalan, trabaho lang! Ang inyong gabay sa hanapbuhay.

Facebook Comments

From Advertisers