Valenzuela LGU, may paalala kaugnay sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr

Naglabas ng paalala ang pamahalaang lokal ng Valenzuela para ligtas na maipagdiwang ang Eid al-Fitr sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kanilang hinihikayat na isagawa na lamang sa sariling tahanan ang pagdiriwang ng Eid al-Fitr.

Kung pupunta naman sa pook-dasalan ay sumunod sa minimum health standards tulad ng social distancing at palagiang pagsusuot ng face mask at face shield.


Pero kung sakaling may mga nararamdamang mga sintomas na tulad ng sa COVID-19 huwag nang lumabas ng bahay o kaya ay makipag-ugnayan sa City Epidemiology and Surveillance Unit sa numerong 137-160.

Facebook Comments