Valenzuela LGU, nag-alok ng tig-₱300,000 patong sa ulo sa 2 wanted person sa lungsod

855

Nagpatong ang Valenzuela Local Government Unit (LGU) ng pabuyang tig-₱300,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa dalawang wanted person sa kanilang lungsod.

Kabilang sa pinaghahanap ng batas dahil sa kasong murder ay sina Tito Santiago Salibio alyas “Tito” at Carlito Mansueto Abalo alyas “Andy.” Sinasabing nag-o-operate ang dalawang suspek sa Tañong at Potrero sa Malabon City maliban sa Valenzuela.

Para sa mga nais tumulong, ipaabot lang ang nalalamang impormasyon sa Valenzuela Police sa numerong 8352-4000 o mag-text sa 0906-419-7676 at hanapin si Valenzuela Police PCol. Salvador S. Destura Jr., o kaya si PLt. Robin Santos ng Warrant and Subpoena Section.


Facebook Comments