Valenzuela LGU, pinag-iingat ang mga residente nito sa mga nanghihingi ng solisitasyon para sa mga biktima sa Marawi City

108

Valenzuela City – Pinag-iingat ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang publiko makaraang makatanggap ng tawag Valenzuela Mayor’s Office ng ulat kaugnay sa mga indibidwal na di umano’y nagpapanggap na tauhan ng mayor at nanghihingi ng donasyon para sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi City.

Sa post ng Valenzuela LGU sa kanilang official site, nilinaw dito na ang fund raising activity para sa mga taga-Marawi City ay tapos na, Hulyo 31 pa lamang, at sa kasalukuyan at wala na silang aktibidad para dito.

Sakaling mabiktima ng kaparehong pangyayari, makabubuti anila na ipagbigay alam agad sa mga pulis o sa pinakamalapit na barangay.


Facebook Comments