Validations sa isinagawang road clearing operations sa Pangasinan inaantay, mga hindi sumunod maaaring patawan ng adiministratibo

236

Natapos na ang inspection at validation sa iba’t ibang local government unit sa Pangasinan sa isinagawang nationwide road clearing operations.

Ayon kay Dir. Randy Dela Rosa, OIC Provincial Director ng DILG-Pangasinan na aantayin na lamang umano ang anunsyo ng Secretary ng DILG kung sinong LGU ang hindi nagcomply sa direktiba ng pangulo.


Dagdag pa nya na sumunod naman umano lahat at magkakatalo na lamang sa level of compliance ng mga ito.

Samantala, ang magpapatunayang hindi sumunod sa mga LGU ay maaaring patawan ng Administrative Aide.

Sa ngayon ay inaantay na lamang ang resulta ng isinagawang road clearing operations.

Facebook Comments

From Advertisers