Vegetable vendor at tambay, arestado sa pagbebenta ng droga sa Lucena City

37

Nahuli ng mga tauhan ng Lucena Philippine National Police (PNP) ang isang vegetable vendor at tambay sa magkahiwalay na lugar sa Lungsod ng Lucena kahapon. 

Kinilala ang naarestong vegetable vendor na si Arlene Puden Alcoreza, 38-anyos, residente ng Purok Sampaguita 1, Barangay 10, Lucena City. 

Nahuli ito sa buy-bust operation at nakuha sa kaniya ang limang sachet ng shabu at 500 pesos na buy-bust money. 

Habang ang nahuling tambay ay kinilalang si Jayson Lagman Nuñez, 23-anyos, residente ng Purok 5, Brgy. Dalahican, Lucena City. 

Nakuha sa kaniya ng mga pulis ang lima ring sachet ng shabu at 500 pesos buy-bust money. 

Sa ngayon, nakakulong na ang dalawa sa Lucena City Police Station custodial facility habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehesive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Facebook Comments