Vendetta, isa sa mga anggulong sinisilip ng pulisya sa pamamaslang kay Biñan City, Laguna Council Secretary Edu Reyes

394

Kabilang ang vendetta sa mga anggulong sinisilip ng pulisya sa pamamaslang kay Biñan City, Laguna Council Secretary Edu Alonte Reyes.

Si Reyes, pinsan ni Biñan Lone District Representative Marlyn Alonte ay nasawi matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek noong October 4, 2020.

Batay sa report na isinumite ng Biñan Police Office sa tanggapan ni Region 4-A Regional Director P/BGen. Vicente Danao, si Reyes ay una nang itinuro ni Mark Anthony ‘Ricky’ Ayug Sison bilang utak at financier sa pagpatay sa ilang pulis at lokal na opisyal sa Biñan City noon.

Si Sison, sinasabing lider ng ‘Ayug/Pogi Sison Organized Crime Group,’ na naaresto noong Setyembre sa Midsayap, North Cotabato.

Siya ang “number one most wanted” criminal gang leader sa Calabarzon at isinasangkot sa mga murder-for-hire, illegal drugs, robbery, extortion at iba pang iligal na aktibidad.

Isinasangkot din si Reyes sa iligal na pasugalan sa Biñan.

Lumalabas din sa imbestigasyon na bago ang ambush kay Reyes ay may nakalaban itong grupo ng local gambling lord patungkol sa isyu ng teritoryo.




Facebook Comments