Vendor sa Quiapo, arestado sa pagdadala ng baril

Manila, Philippines – Sa kabila ng umiiral na gun ban, naging pasaway ang isang vendor sa Quiapo, Maynila na inaresto ng Manila police matapos na mahulihan ng baril sa Quezon Boulevard tabi ng Quiapo Church.

Nakilala ang suspek na si Peter Coderias 42-anyos na sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearm and Ammunition.

Nahuli sa suspek ang isang kulay itim na may lamang isang improvised shotgun o sumpak at mga bala.


Nagsasagawa ng clearing operation ang pulisya nang mapansin ang bag na dala ng suspek at nang ipaamoy K9 unit ay positibo sa baril.

Facebook Comments