Venue capacity sa mga simbahan sa Valenzuela, itinaas na sa 50%

14

Itinaas na sa 50% ang venue capacity sa mga simbahan sa Valenzuela City.

Ito’y makaraang payagan ng lungsod na mas marami pa ang makadalo sa mga religious gathering hanggang June 15, 2021.


Gayunman, mahigpit ang bilin ng lokal na pamahalaan na siguruhing nasusunod ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, at social distancing tuwing dadalo ng misa at kahalintulad na pagtitipon.

Base sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF), ang religious gatherings sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) status sa NCR Plus ay mananatili sa 30% venue capacity.

Pero pwede itong itaas ng Local Government Unit sa 50% basta’t matiyak na maipatutupad ang protocols at minimum public health standards.

Facebook Comments