Veteran actress na si Susan Roces, pumanaw na

274

Pumanaw na ang premyadong aktres na si Susan Roces sa edad na 80.

Kinumpirma ni Senador Grace Poe nitong Biyernes ng gabi ang pagpanaw ng kaniyang ina, na kinikilalang Queen of Philippine Movies.

Si Susan ay biyuda ng namayapa na ring King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.


Sa kaniyang mensahe sa Twitter, sinabi ni Grace Poe na namayapa ang kaniyang ina na napapaligiran ng pagmamahal kasama siya, mga pamangkin na sina Joseph at Jeffrey at marami sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Bumuhos naman sa social media ang pakikiramay at panalangin ng mga kapwa artisa ng beteranang aktres gayundin ng netizens.

Kabilang sa napakaraming pelikulang ginawa ni Susan ay ang “Perlas ng Silangan,” kasama si FPJ noong 1969 at “Daigdig ko’y Ikaw” noong 1965.



Facebook Comments