Veteran actress na si Tessie Tomas, nakakaranas daw ng depression!

96

Inamin ng veteran actress na si Tessie Tomas na nade-depress siya sa mga nangyayari ngayong panahon ng pandemya.

Nabatid na nakatira na sa United Kingdom ang dating aktres kasama ang kanyang asawa na si Roger Pullin.


Sa kanyang YouTube vlog, sinabi ni Tessie na nade-depress siya lalo na’t umiiral ngayong ang 21-days lockdown sa kanilang lugar dahil sa dumaraming kaso at bilang ng namamatay sa COVID-19 sa UK.

Nakadagdag rin aniya sa kanyang anxiety ang bigong pag-uwi sa bansa noong January 5 dahil sa umiiral na travel ban kung saan nakatakda sana niyang bisitahin ang kanyang 92-years old na ina na may sakit.

Sa mga ganitong panahon aniya ay tanging ang nilalapitan niya ay ang Diyos upang mawala ang kanyang mga alalahanin.

Facebook Comments