Tiniyak ng Office of the Provincial Veterinary (OPVET) Pangasinan ang pagdating ng mga hatid na veterinary services sa mga bara-barangay sa lalawigan.
Sa panayam ng IFM News Team kay Provincial Veterinarian Dr. Arcely Robiniol, mas pinag-igting ng tanggapan ang mga naturang serbisyo upang mapalakas ang awareness o pagiging maalam ng Pangasinenses pagdating sa responsible pet ownership.
Inihayag nito na bumababa ang mga vet services sa iba’-ibang panig ng probinsya.
Maganda umanong balita na tumataas taon-taon ang mga nababakunahang mga alagang hayop dahil indikasyon ito na natututo na ang mga pet owners.
Magpapatuloy naman ang serbisyo ng Provincial Veterinary sa buong taon, na mas pinaigting lamang ngayong buwan alinsunod na rin sa pakikiisa sa Rabies Awareness Month.
Samantala, bahagi rin ng adbokasiya ng tanggapan ang pag-aalaga sa mga alagang hayop lalo na ngayong nararanasan ang mainit na panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨