Veterinary Teleconsultations, inilunsad ng Taguig City Gov’t

32

Pwede ng kumonsulta online sa beterinaryo ang mga may alagang hayop sa Lungsod ng Taguig.

Ito ay makaraang ilunsad ng Taguig City Government ang Veterinary Teleconsultations.


Kahit nasa loob lang ng kanilang tahanan ay maari ng kumonsulta ang mga Taguigeño sa mga espesyalista para matugunan ang anumang suliraning pangkalusugan ng kanilang mga alagang hayop.

Paraan ito ng pamahalaang lokal ng Taguig para maproteksyunan ang mga mamamayan laban sa COVID 19.

Facebook Comments