Vhong Navarro, aminadong nauudlot ang planong pag-aasawa dahil sa rape case noong 2014

Showbiz – Malapit na malapit na raw pakasalan ng TV-host comedian na si Vhong Navarro ang long-time girlfriend niya na si Tanya Bautista.

Gayunman, tumanggi siyang sabihin kung kailan dahil baka aniya maudlot.

Surprise na lang daw kung kelan pero titiyakin naman niya na malakas pa sila ni Tanya kapag kinasal sila.


Sabi ni Vhong, naiintindihan naman ng girlfriend niya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpo-propose ng kasal.

Pag-amin niya natatagalan ang kanyang planong pag-aasawa dahil na rin sa mga kasong kinahaharap niya hanggang ngayon.

Kabilang na nga rito ang kontrobersyal na rape case noong 2014 na kinasasangkutan din nina Deniece Cornejo at Cedric Lee.

Facebook Comments