Vice Chairman ng Mayor’s League of The Philippines at Gensan City Mayor Ronnel Rivera nirespito ang pagpalabas ng pangulo ng pangalan ng mga Politikong nasa Narcolist!

15

General Santos City—Nirerespito ni Gensan City Mayor at Vice Chairman ng mayors League of the Philippines Ronnel Rivera ang pagpapalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pangalan ng mga Politikong nasa Narcolist nito.

Naniniwala ang alkalde na dumaan sa masusing Validation ang nasabing mga pangalan dahil hindi umano basta-bastang magpalabas ng pangalan ang pangulo kung hindi ito dumaan sa tamang proseso.

Dagdag pa ng alkalde na malinis ang entensyon ng pangulo sa pagsasapubliko ng pangalan ng mga politikong nasa Narcolist at ito’y isang awareness lang para sa mga botante para mapag-isipan nilang maigi kung iboboto o hindi ang mga nasa narcolist.

Napag-alaman na kagabi ng ipinalabas ng pangulo ang listahan ng mga pangalan ng mga politikong sinasabing may kaugnayan sa operasyon ng illegal drugs sa bansa.

Facebook Comments