Vice ganda at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, magsasama sa isang pelikula sa kauna-unahang pagkakataon

28

Manila, Philippines – Hindi na nagdalawang isip pa ang TV host na si Vice Ganda na pumayag nang malaman na magkakaroon sila ng proyekto ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Asahan daw ang mga kakaiba at nakakatuwang style ng pagandahan na gagawin ng dalawa kung saan siguradong matutuwa ang mga manonood nito.

Bagama’t hindi pa nagkakausap sina Vice at Pia, tiyak na ng magiging maganda ang kalalabasan ng kanilang new project.

Ngayong taon nakatakdang umpisahan ang pelikulang pagsasamahan ni Queen P. at Vice kung saan karamihan sa mga fans ay excited na sa kauna-unahang pelikula na pagsasamahan ng dalawa.
DZXL558

Facebook Comments