Vice Ganda at Ion Perez, break na raw?

1740

How true ang chika na hiwalay na raw sina Vice Ganda at Ion Perez?

Ito’y matapos magtweet si Ion ng “pahalagahan mo hangga’t andyan pa, huwag mo hayaang mawala bago mo makita ang halaga niya”.


Sa nasabing post, maraming netizens ang nagtanong kung ang Twitter post ba ni Ion ay nangangahulugang break na sila ni Vice.

Agad naman binasag ni Vice Ganda ang chismis na hiwalayang “ViceIon”.

Nagpost ang Phenomenal and Unkabogable Star ng kanilang litrato ni Ion na magka-holding hands na may caption na “happy lang, walang ending”.

Ngunit kahit nilinaw na ni Vice ang tunay na estado ng kanilang relasyon, marami pa rin ang hindi naniniwala dahil wala pang latest post si Ion.




Facebook Comments