Vice Ganda, inuudyok na sumabak daw sa pulitika

Manila, Philippines – Inamin ngayong ng TV host / comedian na si Vice Ganda na marami raw ang kumakausap sa kaniya na pasukin na rin ang mundo ng pulitika at kumandidato bilang Senador.
Pero ayon kay Vice, hindi nya raw nakikita ang kanyang sarili na mahalal para sa posisyon sa gobyerno at wala siyang interes na tumakbo.
Hindi naman niya sinasarado ang pinto sa ngayon dahil first of all, ini-enjoy daw niya ang kanyang pagiging komedyante at mas gusto nyang magpatawa siya sa isang comedy show kaysa sa senado.
Dagdag pa ng komedyante, sapat na raw na nakakapagpahayag siya ng kanyang opinyon tungkol sa politics pero hindi nya raw nakikita ang kaniyang sarili na tumakbo.

Facebook Comments