Vice Ganda, naging emotional

Naging emosyonal si Unkabogable Vice Ganda matapos ma-meet ang housemates sa loob ng bahay ni Kuya.

Say ni Vice, nag-volunteer siya dahil gusto niyang makita ng personal ang housemates na si Hasna na ukay-ukay vendor.

Matapos kasing malaman ni Vice ang hirap ni Hasna sa kanyang dalawang anak na may autism ay gumaan daw ang loob nito.


Naramdaman daw kasi ni Vice ang bigat na pinagdadaanan ni Hasna dahil naranasan din daw niya ang hirap sa buhay.

Payo ni Vice kay Hasna gawin na lang blessings ang mga problema at i-acknowledge na hindi talaga natin kaya dahil alam niya na kailangan talaga natin ng tulong at suporta lalo na ang pang-unawa.

Dagdag pa ni Vice pagsubok lang ang lahat kaya hindi ka dapat sumuko sa buhay.

Naranasan din daw kasi ni Vice na maging mahina pero kinailangan niyang maging malakas para sa kanyang pamilya at dahil kasama daw ‘yon sa ganda ng pagkatao niya.

Courtesy: PBB//YouTube

Bukod dito nag-donate si Vice Ganda ng mga damit at nagbigay ng regalo para sa mga anak ni Hasna.

Facebook Comments