Vice Mayor ng Batuan Ticao Island sa Masbate, patay sa pamamaril sa Sampaloc, Maynila

165

Patay matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang Vice Mayor ng Batuan Ticao Island sa Masbate na si Charlie Yuson III.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang kumakain ang biktima sa isang bahay sa Vicente Cruz Street ng pagbabarilin ng tatlong mga suspek kaninag alas-8:45 ng umaga.


Agad na tumakas ang mga suspek sakay ng isang kulay gray na van na may plate number na ACM 8804 patungo sa hindi pa mabatid na direksyon.

Nagawa naman maisugod sa UST Hospital ang Vice Mayor pero idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor.

Sugatan sa insidente ang dalawang kasama ng Vice Mayor na sina Wilfredo Pineda at Alberto Alforte kung saan patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo sa krimen.

Facebook Comments

From Advertisers