Vice Mayor ng Pilar, nahaharap sa patung-patong na kaso ayon sa PNP

139

Sasampahan ng Philippine National Police (PNP) ng patung-patong na kaso si Pilar, Abra Vice Mayor Jaja Josefina Disono.

Ito ay matapos ang pagbalewala ng sasakyan ni Disono sa inilatag na checkpoint ng PNP sa Brgy. Poblacion na nauwi sa engkwentro at habulan.

Ayon kay PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo, maliban sa kasong administratibo, posible ring maharap sa mga kasong kriminal ang mga sakay ng sport utility vehicles (SUV) ni Disono maging sa paglabag nito sa Omnibus Election Code partikular ang gun ban.


Hanggang ngayong araw, hindi pa rin tukoy ng mga pulis kung sino ang driver at mga sakay ng sasakyan ni Disono at kung ilang armas ang nakatago rito.

Muling iginiit ni Fajardo na lehitimong operasyon at hindi harassment ang ginawa ng mga pulis sa kampo ni Disono

Facebook Comments