Vice mayor sa bayan ng Roxas Isabela, nagbitiw sa puwesto

Roxas, Isabela – Nagbitiw na sa kaniyang puwesto bilang Bise Alkalde ng bayan ng Roxas, Isabela si Vice Mayor Servando Soriano.

Ayon sa ulat, nagbitiw si Soriano dahil sa problema sa kaniyang kalusugan.

Pumalit sa kaniyang puwesto si first councilor Nick Sebastian, samantalang ang anak naman ni Soriano na si Peter Soriano ang pumalit sa puwesto ni Sebastian.


Si Peter Soriano ay isang Certified Public Accountant at dating nagsilbing municipal administrator noong panahon ni dating Punong Bayan Harry Solier.

Nanumpa si SB Peter Soriano kay Isabela Governor Faustino Bojie Dy III at inaasahang dadalo na ito sa regular session ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan bukas.
DZXL558

Facebook Comments