Vice President Leni Robredo, may panawagan sa mga kabataan kasabay ng ika-160th kaarawan ni Jose Rizal

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang mga kabataan na patuloy na gawing inspirasyon ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal upang patuloy na makipaglaban sa tama at kung ano ang nararapat.

Kasabay ito ng paggunita ng ika-160th kaarawan ni Rizal kahapon.

Sa inilabas na pahayag ni Robredo, umaasa itong magsisilbing huwaran si Rizal sa bagong henerasyon ng mga Pilipino upang ipaglaban ang tama at magsilbing bayaning sumasalamin sa prinsipyo at adhikain ng ating bayan.


Habang pinayuhan din ng bise-presidente ang mga Pilipino na manatiling matatag sa lahat ng pagsubok na kinakaharap ngayong patuloy ang epekto sa bansa ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments