Vice President Leni Robredo, nagpahayag ng suporta sa LGBT community sa pagdiriwang ng Pride March Day kahapon

244

Manila, Philippines – Nagpahayag ng suporta si Vice President Leni Robredo sa LGBT community sa pagdiriwang ng Pride March Day kahapon.

Sa inilabas na video kagabi ng kampo ng Bise Presidente, sinabi nito na kasama siya sa kanilang pagsulong ng pantay na karapatan laban sa lahat ng uri ng diskriminasyon at karahasan.

Samantala, naging matagumpay ang pagdiriwang kahapon ng Pride March 2017 sa Marikina City na pinangunahan ng LGBT community at mga taga-suporta nito.


Libu-libo ang nakiisa sa selebrasyon kung saan dala-dala nila ang mga rainbow flag, banners, makukulay na mga lobo at mga payong.

Facebook Comments