Vice President Leni Robredo, nananatiling bukas ang opsyon sa 2022

467

Pinapanatili ni Vice President Leni Robredo na bukas ang kanyang mga opsyon pagdating sa 2022 Presidential Race.

Ayon kay Robredo, sa ngayon ay wala siyang plano tumakbo sa pagkapangulo pero mananatiling bukas siya sa anumang mangyari.


Giit niya, hindi sana siya tumakbo sa pagka-Bise Presidente kung hindi niya naramdamang hindi siya handa para rito.

Matatandang nanalo si Robredo laban kay dating Sen. Bongbong Marcos sa 2016 Vice Presidential Race.

Sa ngayon, nahaharap si Robredo sa Electoral protest na inihain ni Marcos at kasong Sedition na isinampa naman ng PNP-CIDG kaugnay sa ‘ang totoong Narcolist’ ni alyas Bikoy.

Facebook Comments

From Advertisers