Vice President Leni Robredo, sumailalim sa quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 ang close-in security

260

Nag-self isolate ngayon si Vice President Leni Robredo matapos siyang magkaroon ng contact sa isang nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ni VP Leni sa kaniyang Facebook Live na sinabihan siya kagabi na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa kaniyang close-in security.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na kinakailangang mag-self quarantine ng bise presidente matapos ma-expose sa isang COVID positive.


7 araw ang itinakdang quarantine period.

Una nang nagpositibo ang anak ni Robredo na si Trisha pero asymptomatic ito.

Facebook Comments