
Nagpaabot ng pakikiramay si Vice President Sara Duterte sa pamilya ng mga nasawi at nasaktan sa trahedya sa Lapu Lapu Day Celebration sa Vancouver, Canada.
Mahigpit din na kinundena ni VP Sara ang naturang pag-atake sa mga inosenteng nakikiisa lamang sa festival.
Nais din ng pangalawang pangulo na mapanagot sa ilalim ng batas ng Canada ang suspek sa pagsagasa sa festivalgoers.
Pinasalamatan naman ni VP Sara ang Canadian government, gayundin ang Philippine Embassy sa Ottawa at ang Philippine Consulate General sa Vancouver sa pakikipag-ugnayan ng mga ito sa Canadian authorities para sa mabilis na paghahatid ng tulong sa bawat Pilipinong biktima.
Facebook Comments