Vice presidentiable Sara Duterte, nagpasalamat sa pagbuo ng alyansa ng PFP-Lakas-CMD Democrats, PMP at Hugpong ng Pagbabago

156

Nagpaabot ng lubos na pasasalamat si vice mayor at presidential aspirant Sara Duterte sa pagbuo ng alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas, Lakas-Christian Muslim Democrats, Pwersa ng Masang Pilipino, at Hugpong ng Pagbabago sa Bayleaf hotel sa Pasay City kahapon.

Ayon kay Mayor Sara, ang naturang alyansa ay nagpapakita lamang nang kanilang pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng matagumpay na pagkakaisa at paninindigan upang ipagpatuloy ang pag-unlad at positibong pagbabago sa mga Pilipino at sa Pilipinas.

Paliwanag ng nakababatang Duterte, ang alyansa ng naturang mga partido ay may malaking magagawa sa magulong politika na kinakaharap ng sambayanang Pilipino kung saan isinasantabi nila ang kanilang away politika at pagkakaibang pananaw para maging malakas na samahan para sa tao at sa bansa.


Giit pa ni Sara, bilang kanilang vice presidentiable candidate, ang kanilang alyansa umano ay itinatag sa pagkakaibigan, tiwala at pangako na paglingkuran ang mga Pilipino at bansa kung saan nakasentro ito sa pag-unlad sa ating dakilang bansa.

Facebook Comments