VIDEO BLOGGING | Vice President Leni Robredo, nagba-vlog na rin

121

Manila, Philippines – Pumasok na rin si Vice President Leni Robredo sa mundo ng vlogging o video blogging.

Unang nag-upload si Robredo ng kanyang unang vlog sa kanyang personal facebook account tungkol sa kanyang pagbisita sa Estados Unidos para daluhan ang graduation ng kanyang panganay na anak na si Aika sa Harvard University.


Nag-ikot si VP Leni sa iba’t-ibang lugar ng unibersidad hanggang sa apartment ng kanyang Aika.

Kinuha rin ni Robredo ang graduation rites ng kanyang anak.

Ayon kay Robredo, ginawa niya ito bilang remembrance sa kanyang week-long trip sa Amerika.

Ang kanyang anak na si Aika ay nakapagtapos ng master’s studies in public administration sa John F. Kennedy School of Government.

Facebook Comments

From Advertisers