Video ng pag-rescue sa apat na baby elephants na nahulog sa malaking hukay, nag-viral!

Sri Lanka – Marami ang na-touch sa video ng pag-rescue sa apat na baby elephants na nahulog at na-trap sa madulas at malalim na hukay sa ‘Karan-Dagas-Wewa’ sa Sri Lanka.

Sa dalawang minutong video, sinusubukang hagisan ng mga residente sa lugar ng pagkain at tubig ang mga elepante para hindi sila magutom at mainitan habang hinihintay ang construction equipment na maghuhukay ng daan nila palabas.

Sa pagtatapos nito, matagumpay na nailabas ang mga elepante na walang anumang sugat sa katawan.


Facebook Comments