Videos ng pagpatay ng grupong Abu Sayaf , inilabas na ng Criminal Investigation and Detection Group-7

Bohol, Philippines – Inilabas na sa media ng Criminal Investigation and Detection Group-7 ang kopya ng mga video na nakuha mula sa Abu Sayyaf members na napatay noong unang ingkuwentro na nangyari sa Inabanga lalawigan sa Bohol noong April 11.

Halos umabot sa 248 na video ng terrorist activities ng ISIS at radical na jihad na mga awit ang nakuha mula sa isang cellphone na hinihinalang pagmamay-ari sa isa sa mga Abu Sayyaf member na napatay sa Inabanga, Bohol .

Paniniwala ng CIDG-7 na ginagamit ang nasabing mga video sa training at pag-brainwash ng mga bandido sa kanilang mga miyembro sa paglulunsad ng terorismo.


DZXL558

Facebook Comments