Vietnamese fishing vessel na sumagip sa 22 mangingisdang Pinoy, pinasalamatan

65

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Vietnamese crew matapos sagipin ang mga Pilipinong mangingisdang patulang-lutang sa Recto Bank.

Ipinaabot ng Pangulo ang mensaheng ito kay Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc sa 34th ASEAN Summit sa Bangkok, Thailand.


Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – nagpapasalamat ang Pangulo sa kapitan at crew ng Vietnamese fishing vessel na nagligtas sa 22 Pilipinong mangingisda.

Aniya, ang kabutihang ginawa ng mga Vietnamese ay hindi makakalimutan ng Pilipinas at mga mamamayan.

Sinabi pa ni Panelo na ang soberenya ng Pilipinas ay ‘non-negotiable’ at kailangang panagutin ang mga responsible sa pag-abandona sa mga mangingisdang Pinoy sa dagat.

Facebook Comments

From Advertisers