Vin Abrenica, nag-react na sa netizens na pumuna sa snow white skin tone ng kaniyang fiancé

395

Nag-react na ang aktor na si Vin Abrenica sa mga netizen na pumuna sa snow white skin tone ng kaniyang fiancé na si Sophie Albert.

Kasunod ito ng pag-post ni Vin sa Instagram ng isang larawan, hawak ang kamay ni Sophie na nakakasilaw ang kaputian.


Paliwanag ni Vin sa isang litratong ipinost din kasama si Sophie na nakasuot ng white dress at kita ang baby bump, normal lang sa kaniya ang kulay ng kaniyang mapapangasawa.

Sa mga tanong naman kung ano bang brand ng sabon o lotion ang ginagamit ni Sophie, sobra ba ito sa gluta o sadyang anemic, sinabi ng aktor na hindi naman halata ang ganoong kulay para sa kaniya.

Matatandaang nitong February 13 nang ibalita ng lovebirds ang kanilang engagement, kung saan iwi-welcome din nila ang kanilang first baby together.

Facebook Comments