Vince Carter – nakuha ng Sacramento Kings

53

NBA – Nadagdagan pa ng isang beterano ang Sacramento Kings matapos na makuha si Vince Carter.

Ito’y makaraang pumirma ng 8-milyong dolyar na kontrata si Carter sa ilalim ng nasabing koponan.

Si Carter ang pinakamatandang active player sa NBA at isa sa dalawang natitirang manlalaro mula sa 1998 draft kasama si Dirk Nowitzki.


Samantala, mananatiling bahagi ng Dallas Mavericks si NBA superstar Nowitzki na kapipirma lang ulit ng kontrata sa nasabing koponan.

Ito na ang ika-20 taon ni Nowitzki sa Dallas.

Facebook Comments