Vintage bomb, nadiskubre ng isang backhoe operator sa Basilan

73

Aksidenteng nahukay ng isang sibilyan na backhoe operator ang nasa 1000 pounds ng vintage bomb sa Barangay Isabela Proper, Isabela City, Basilan.

Ayon kay Joint Task Force Basilan Commander Colonel Dominggo Gobway, nang matanggap nila ang impormasyon ay agad na rumesponde ang tropa ng 16th Special Forces Company at PNP Explosive Ordnace Division Team sa lugar.

Agad silang nagsagawa ng proper evaluation at assessment sa vintage bomb bago dinala sa 4th Special Forces Battalion headquarters sa Barangay Cabunbata.

Sa ngayon, ayon kay Western Mindanao Command Commander Lietenant General Corleto Vinluan, Jr. na naghihintay nalang sila ng report mula sa Exposives Ordnance Disposal team para matukoy ang classification ng vintage bomb.

Patuloy namang naka-alerto ang militar sa Basilan.

Facebook Comments