VIRAL | 2 African-American, arestado dahil sa pagtambay at hindi pag-order sa sikat na coffee shop sa Amerika

48

Manila, Philippines – Nag-trending ang video ng pag-aresto sa dalawang African-Americans sa Philadelpia sa Amerika. Umabot na ito sa halos sampung milyong views.

Makikita kasi sa video na nakaposas pa ang dalawang itim na lalaki habang pinapalabas sa isang sikat na coffee shop matapos silang ireklamo ng pagtambay ng walang ino-order.

Katwiran ng mga lalaki, inaantay pa nila ang isa nilang kaibigan. Pero hindi sila pinakinggan ng mga pulis at tuluyang inaresto.

Paliwanag ng mga pulis, inireklamo ng coffee shop ang dalawa ng umano’y panggugulo.

Agad namang kumalat ang kampanya na i-boycott ang nasabing establishment dahil umano sa pagiging racist nito.

Sa huli, humingi ng tawad ang may-ari ng coffee shop. Handa raw silang gawin ang lahat para maitama ang naging pagkakamali ng kanilang mga tauhan.

Facebook Comments