VIRAL | Muling pagsasama-sama ng mga “Sang’gre” ng 2016 Encantadia, usap-usapan sa social media

93

Usap-usapan ngayong sa social media ang litrato na ipinost ni Kapuso aktres Glaiza De Castro sa instagram kung saan kasama niya ang mga ‘Sang’gre’ ng hit fantaserye ng GMA na ‘Encantadia’ na ipinalabas noong 2016.

Sa larawan, makikitang kasama ni Glaiza sina Gabbi Garcia, Kylie Padilla at Sanya Lopez na may hawak pang tirador, habang nakapose na tila handang makipaglaban ang mga ito at may hashtag na ‘abangan’.

Bumaha ng excitement sa social media, kung saan inaalam ng mga netizen kung para saan ang pagsasama-samang muli ng mga Sang’gre.

Kaugnay nito, may niluluto ring proyekto ang GMA para sa mga orihinal na Sang’gre na ipinalabas noong 2005, na pinagbibidahan naman nina Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Iza Calzado at Karylle V.

Facebook Comments