VIRAL NA KAINAN NG KALESKES SA CALASIAO, IGINIIT ANG KALINISAN SA MGA IBINEBENTANG PAGKAIN

Iginiit ng may-ari ng nagviral na kainan sa Calasiao ang kalinisan sa kanilang binebenta na pagkain matapos umani nang negatibong komento mula sa publiko dahil sa marumi umanong kagamitan at pagluluto ng kaleskes.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan sa may-ari, nabigyan pa rin umano sila ng pahintulot mula sa Rural Sanitary Inspection ng bayan na nagpapatotoo sa kalinisan ng kanilang ibinebentang pagkain.

Makikita sa inupload na video ng isang customer ang nakaplastic na dugo para sa ilulutong kaleskes gamit ang nangingitim na kaldero.

Dagdag nito, ilan sa pinuna ng health authorities ang bukas o overexposed na kusina upang matiyak na walang ibang maisama sa mga lutuin.

Depensa pa ng may-ari, matagal nang hindi ginagamit ang kaldero na nakita sa video dahil butas na ito at ginagamit lamang na lalagyan ng hindi na magagamit na sangkap.

Nilinaw din nito na ang babae sa viral video ay nakuhanan sa mismong huling araw nito sa trabaho.

Kumpleto rin umano ang dokumento nila upang makapag operate ng legal.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang operasyon ng naturang canteen at patuloy na tinatangkilik ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments